^

Bansa

Solon sa DFA, DMW: Mga Pilipino sa ME, tiyaking ligtas sa giyera ng Iran, Israel

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na protektahan at tiyaking ligtas ang mga Pilipino sa Middle East habang sinasalakay ng Iran ang Israel, gamit ang mga drone at missiles.

Ayon sa DFA, humigit-kumulang 2,221,448 over­seas Filipinos ang naninirahan sa 16 na bansa sa Middle East. Karamihan sa kanila ay nasa Saudi Arabia (865,121), United Arab Emirates (648,929), Kuwait (241,999), at Qatar (241,109).

Ang iba pang mga bansa sa Middle Eastern na may malaking bilang ng mga over­seas Filipino ay Bahrain (55,790), Oman (52,760), Jordan (40,538), Lebanon (33,424), at Israel (29,473).

Ang naninirahan bilang permanenteng residente, pansamantalang residente, at undocumented/irregular migrants, mula sa mahigit 100 hanggang mahigit 5,000 overseas Filipinos, ay naitala sa Egypt, Libya, Iraq, Iran, Syria, Palestine, at Yemen.

Sinabi ni Tolentino na ang overseas Filipinos na naninirahan ngayon sa Israel ay nangangailangan­ agad ng aksyon ng gob­yerno upang matiyak ang kanilang kaligtasan at ma­iuwi sila kung kinakaila­ngan upang maiwasan ang pagkawala ng buhay sakaling lumala pa ang sitwasyon.

Buong pagtitiwala sa DFA at DMW, umaasa siya na ang dalawang ahen­syang ito ay may nakahandang con­tingency measures para pro­tektahan ang mga overseas Filipino sa pinakamasamang sitwasyon, halimbawa kapag naipit sa gitna ng armadong labanan.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with