^

Bansa

Paninigarilyo at pagluluto pangunahing dahilan ng sunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paninigarilyo at pagluluto pangunahing dahilan ng sunog
Ipinarada ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang mga fire trucks, emergency vehicles, at iba pang assets bilang pagpapakita ng kanilang kapabilidad sa ginawang grand kick-off parade kaalinsabay ng Fire Pre- vention Month na ginawa kahapon sa Quirino Grandstand.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nangungunang dahilan ng sunog sa bansa ngayong 1st quarter ng taon ang paninigarilyo  at pagluluto.

Batay sa datos ng BFP mula Enero 1 hanggang  kahapon Marso 1, nasa 3,034 insidente na ng sunog ang naitala kumpara sa 2,888 noong 2023.

Sa nasabing bilang, 191 ang naitalang sunog dahil sa mga nakasin­ding, tabako at mga  pipa  habang nasa 155 naman ang kaso dahil sa pagluluto gamit ang LPG at panggatong.

Sinundan naman ito ng electrical ignition dahil

sa arcing, 144; electrical ignition dahil sa  loose connection,97 at  electrical ignition dahil sa  overloading, 62 cases

Ayon sa BFP, nasa 69 ang naitalang namatay  habang 213 naman ang  naiulat na nasaktan dahil sa sunog na karamihan ay residential areas.

Karamihan naman ng insidente ng sunog na pumalo sa 1,698 ay pawang mga aksidente habang 20 ang sinasabing planado at 1,259 kaso ang sinisiyasat pa.

Sinabi ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza na upang mas mapabuti ang kanilang tungkulin, nakatakdang bumili ng karagdagan at bagong kagamitan ang Kawanihan BFP Modernization Program.

Plano rin nilang kumuha pa ng karagdagang tauhan upang mabilis na matugunan ang mga insidente.

“Fire prevention pa rin po emphasis ng agency to minimize the fire incident especially now with the extremely hot weather that contributes greatly in the fast spread of fires,” ani Carbajal-Atienza.

Nagsimula na kahapon ang Fire Prevention Month.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with