17 Pinoy, hostage ng Yemen rebels sa Red Sea
MANILA, Philippines — Hawak ngayon ng mga teroristang Houthis ng Yemen ang 17 Filipino seafarers na kabilang sa mga hostage mula sa cargo ship sa southern Red Sea.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) undersecretary Eduardo de Vega, kasama sa hinostage na 17 Filipino ay ang iba’t ibang dayuhan.
Paliwanag ni De Vega, bagama’t hindi ito ang unang pagkakataon na may nabihag na mga Pinoy sa ibang bansa kaya nababahala sila at pinagtutuunan ito ng gobyerno ngayon dahil mayroon itong kinalaman sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Lumalabas sa ulat na tinarget ang barko dahil ito ay pag-aari ng isang Israeli bagama’t Japanese ang kumpanya.
Pinanghahawakan na lang umano nila ang pahayag ng hostage takers na walang dayuhang hostages ang masasaktan.
Makikipagpulong din umano sa Malakanyang ang DFA para pag-usapan ang nasabing sitwasyon.
Inatasan na rin umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DFA na gawin ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy na hostage sa Red Sea.
- Latest