^

Bansa

Paglikha ng Water Resource Management Office, aprub ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni ­Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang paglikha ng Water Resource ­Management Office (WRMO) na ma­ngangasiwa sa water resources ng bansa.

Sa multi-sectoral meeting sa Malacañang, kung saan ipinatawag ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources, tinalakay ni Marcos ang kahalagahan ng pagpaplano patungkol sa pamamahala ng tubig.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang pagtatatag ng naturang tanggapan para magsilbing roadmap sa waste management agencies.

Iminungkahi ni Marcos na ang unang tungkulin ng WRMO ay bawasan ang pagiging dependent ng bansa sa deep wells at ayusin ang pag-manage sa water supply.

“Iyon ay hanggang sa masasabi ko. We have sufficient... there’s enough water in the­Philippines hindi lang natin ginagamit, tinatapon natin,” ani Marcos.

Isang executive order (EO) ang gagawin para bigyang-daan ang National Water Resources Board (NWRB), MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System), Local Water Utilities Administration (LWUA) at iba pang ahensyang may kinalaman sa tubig ng DENR na magkaroon ng collaborative mechanism sa ilalim ng WRMO.

Ang WRMO ay ilalagay sa ilalim ng DENR at magiging isang transitory body habang nakabinbin ang paglikha ng isang Water Resources Department.

Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng WRMO ang pagbabalangkas at pagtiyak sa pagpapatupad ng Integrated Water ­Management Plan.

vuukle comment

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with