^

Bansa

90% ng Pinoy, maaaring ‘di alam na nahawa na ng COVID-19 – health expert

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
90% ng Pinoy, maaaring âdi alam na nahawa na ng COVID-19 â health expert
Members of the Manila Police District (MPD) patrol around Divisoria in Manila on November 27, 2022, to ensure the safety of shoppers as they buy gifts for the Christmas season.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naniniwala ang epidemiologist na si Dr. John Wong na posibleng 90% na ng mga Pilipino ang nahawa ng COVID-19 na hindi nadi-detect ng pamahalaan dahil sa mga limitasyon.

Sinabi ni Wong, founder ng health research institution EpiMetrics Inc., na ang datos ay base sa ‘modeling estimates’ na isinagawa ng Institute for Health Metrics and Evaluation, isang global health research center ng University of Washington.

“The only reason we don’t see that many cases in our case counts is that they also estimated only about 33 percent of infections are detected,” paliwanag ni Wong.

Binago rin niya ang paniniwala na kapag nahawa ng virus at nakarekober ay magkakaroon na ng natural na immunity laban dito. Iginiit niya na kung maliit na dose ng impeksyon lamang ang natanggap ng isang tao ay maaaring hindi ito sapat para makabuo ang katawan ng immunity o kaya naman ay hindi magtatagal.

Ang pokus umano ng gobyerno sa ngayon ay mabakunahan din ang mga unvaccinated. Sa kasalukuyan, nasa 64% pa lamang ng populasyon ng bansa ang nakatatanggap ng primary series ng anti-COVID vaccines.

Ipinaliwanag din niya na ang pagdetermina dapat kung nasa “endemic stage” na ang bansa ay kung nasa “acceptable limits” na ang hospitalization at death rates kaugnay ng COVID-19.

Nitong Lunes, nakapagtala ang bansa ng 8,032 bagong kaso mula Nobyembre 21-27 na may 120 nadagdag sa mga nasawi.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with