^

Bansa

‘Crypto scam’ ngayong Kapaskuhan, ibinabala ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
âCrypto scamâ ngayong Kapaskuhan, ibinabala ng PNP
Ayon kay Doria, puspusan na ngayon ang ginagawang panloloko at panghihikayat ng mga online scammers lalo pa at marami na ang nakatanggap ng kanilang Christmas bonus.
Photo Release

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko si Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Brig. Gen. Joel Doria laban sa fake crypto investments lalo na nga­yong nalalapit ang Pasko.

Ayon kay Doria, puspusan na ngayon ang ginagawang panloloko at panghihikayat ng mga online scammers lalo pa at marami na ang nakatanggap ng kanilang Christmas bonus.

Nakakatanggap na rin sila ng mga reklamo na iba’t ibang sistema upang makapanghikayat ng mga  investor ng “fake” crypto investments.

Ang mga potential investors ay kailangan na magdownload ng kanilang apps kasunod ang pagbibigay ng investments.

Bibigyan ng dashboard ang investors kung saan makikita ang kanilang investment at interest.

Sa sandaling makita ng investor ang kanilang investments at kinita, mas naeengganyo ang mga investor na dagdagan ang kanilang investment.

Subalit sa sandaling iwithdraw ng investor ang kanilang investment, hindi ito papayagan ng apps.

Sinabi ni Doria na gumagamit ng pekeng permits mula sa Department of Trade and  Investments at SEC ang mga scammers.

“Do not fall prey to fake crypto currency investments. ACG advises potential investors in crypto to visit the website of Bangko Sentral ng Pilipinas for the list of regulated Virtual Asset Service Providers to avoid being scammed,” ani Doria.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with