^

Bansa

Pinas ‘wag sumali sa‘sanctions’ sa Russia – Carlos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas âwag sumali saâsanctionsâ sa Russia â Carlos
A worker fills up a container with fuel at a gas station in Quezon City on June 7, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

Para makakuha ng langis at gas

MANILA, Philippines — Maaaring magsuplay ng langis at gas sa Pilipinas ang Russia sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ayon kay incoming National Security Adviser (NSA) secretary Clarita Carlos.

Sinabi ni Carlos na dapat wala pa ring kampihan ang Pilipinas sa pagitan ng Russia at Ukraine na hindi pa rin natatapos ang gulo lalo pa’t may maayos na relasyon ang bansa sa Russia.

“Siguro we will take a mutual stance. Iyon naman talaga ang ginawa natin from the beginning, and we have a very robust relationship with Russia,” ani Carlos.

Ayon pa kay Carlos, nasa hilagang bahagi ng bansa ang Russia at dapat samantalahin ito ng Pilipinas upang makakuha ng kinakailangang langis at gas.

“And Russia might be able to supply us with our much-needed oil and gas ‘no, kasi nandiyan lang ang Russia. Ang Russia nasa north natin iyan and they’re also pivoting to our area. We should take advantage of that,” ano Carlos.

At kung magbibigay anya siya ng payo kay incoming President Ferdinand Marcos Jr., sasabihan niya rito na huwag sumali sa sanctions ­mechanism laban sa Russia na ginagawa ng Amerika.

Matatandaan na nag-umpisa ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel buhat nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.  

 

 

GASOLINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user