^

Bansa

Imee: Senate president dapat galing sa UniTeam

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat na mangga­ling sa senatorial slate ng UniTeam ang susunod na Senate President.

Ito ang paniniwala ni Sen. Imee Marcos dahil na rin sa rami ng problema ng bansa kaya dapat ay mabilis at malakas ang dating ng mga batas na kinakailangan.

Nilinaw naman ni Marcos na hindi niya target ang Senate presidency o anumang mataas na posisyon sa 19th Congress.

Ang pahayag ng Senadora ay ginawa matapos na ibunyag kamakailan ni Sen. Sonny Angara na nagpahayag ng interes si Marcos at Senator-elect Loren Legarda na ma­ging senate president pro-tempore na ikalawang pinakamataas na posis­yon sa upper chamber.

Sa tanong naman na kung pabor siya sa term-sharing sa Senate presidency ay sinagot ito ni Marcos na “lahat ng kandidato sa anumang eleksyon ay kinakailangan bukas ang isipan, sakripisyo at kompromiso sa ibang lebel ng negosasyon dahil masagwa umano na magsisimula ang bagong administrasyon na nag-aaway-away.

Sa ngayon, kabilang sa mga nagnanais makuha ang pinakamataas na posisyon sa Senado ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian, at Senator-elect Francis Escudero.

Suportado naman ni Imee ang Senate presidency bid ni Villar.

Bukod sa Senate president pro tempore ay sinabi ni Angara na target din ni Imee ang chairmanship sa Senate Finance Committee, na kasalukuyan niyang pinamumunuan.

vuukle comment

UNITEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with