^

Bansa

Minors puwede nang bumiyahe, pero bawal pa rin sa malls

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Minors puwede nang bumiyahe, pero bawal pa rin sa malls
Sa kanilang paglabas kailangang kasama ang kanilang magulang o adult guardian.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Sa kabila na pinayagan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) na makabiyahe ang mga bata na may edad 18-taong gulang pababa, pero bawal pa rin sila sa mga malls.

Sa kanilang paglabas kailangang kasama ang kanilang magulang o adult guardian.

Bukod pa d’yan, kailangan na ang kanilang paglabas ay essential.

Bawal pa rin sila sa mga malls at ang mga malls na mahuhuling tumatanggap sa mga ito ay posibleng ipasara.

Limitado pa rin ang kanilang paggalaw. Kabilang lamang sa pinapayagan ay kung bibili o mag-aavail ng essental goods, kung ­ma­­g-interzonal at intrazonal travel’, outdoor exercises at kung kailangang magtrabaho.

Ito ang nilalaman  ng Resolution No. 21-24 na inilabas kahapon ng MMC.

Pirmado ito ni Chairman Benhur Abalos at ng 17 alkalde ng Metro Manila.

Ang ‘intrazonal’ ay ang pagbiyahe sa mga lugar na may parehong ‘quarantine restrictions’ habang ang ‘interzonal’ ay ang pagbiyahe sa mga lugar na may magkakaibang ‘quarantine classifications’.

Nagpalabas ang MMDA at MMC ang resolusyon makaraang ibigay sa kanila ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang awtoridad na magdesisyon sa pagbiyahe ng mga bata sa kanilang nasasakupan.

Epektibo ito sa lahat ng siyudad at munisipalidad sa National Capital Region na nagtakda ng iisang restriksyon ukol sa pagbiyahe.

Una namang pinayagan ng pamahalaan ang mga bakunado ng senior citizens na makalabas at makapunta ng mga shopping malls.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with