^

Bansa

2 kaso ng mutation ng COVID-19, natagpuan sa Cebu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 kaso ng mutation ng COVID-19, natagpuan sa Cebu
“There are two mutations of concern that were found out in 37 out of 50 samples . . .29 out of these 50 had co-occurrence of this 2 mutations,” ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, taga­pagsalita ng Department of Health-Central Visayas.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dalawang kaso ng mutation ng coronavirus 2019 ang natagpuan ng mga eksperto sa lalawigan ng Cebu makaraang isailalim ang mga samples sa genome sequencing.

“There are two mutations of concern that were found out in 37 out of 50 samples . . . 29 out of these 50 had co-occurrence of this 2 mutations,” ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, taga­pagsalita ng Department of Health-Central Visayas.

Wala pa namang opisyal na pangalan ang mutation ng virus na binansagan muna na E484K at N501Y.

Sinabi ni Loreche na kabilang ang mga sample sa ipinadala sa Philippine Genomic Center sa period ng Enero 30 hanggang Pebrero 2.

Galing ang mga samples sa mga pasyente mula sa Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City at Cebu province.

Sa kabila nito, pinakalma naman ni Dr. Jaime Bernadas, DOH Region 7 Director, ang publiko sa pagsasabing kailangan pa ng dagdag na imbestigasyon at pag-aaral ang dalawang mutation.

Kailangan umano ng dagdag na impormasyon bago masabi na higit na malubha o mas nakahahawa ang dalawang mutation.

Inaamin naman nila na isang ‘global concern’ ang anumang mutation ng virus kaya kailangang maging maingat sa pagsusuri at pagpapalabas ng impormasyon ukol dito.a

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with