^

Bansa

Illegal connections sa Iloilo City napabayaan kaya lumobo – Solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Aminado si Iloilo Rep. Julienne Baronda na dumami ang illegal connections at naging talamak ang pagnanakaw ng kur­yente sa Iloilo City dahil na rin sa kabiguan na habulin at panagutin ang mga nasa likod ng “organized business” na ito kaya naman kaisa ito ng lokal na pamahalaan na wakasan na ang nagaganap na electricity pilferage.

Ang pahayag ni Ba­ronda ay bilang reaksyon sa inilunsad na crackdown ni Iloilo City Ma­yor Jerrry Treñas laban sa organized group na nasa likod ng talamak na pagnanakaw ng kur­yente matapos na rin makumpirma na nasa 30,000 ang illegal connections sa lalawigan sa ilalim ng Panay Electric Company(PECO).

Ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng mga electric jumpers ang sanhi ng pagtaas ng systems loss na umabot na sa 9.3 percent, ang ha­laga ng nakaw na kur­yente na ito ay ipinapasa rin sa lehitimong consu­mers kaya tumataas ang kanilang binabayarang singil sa kuryente.

“Electricity pilferage has become a practice because the violators have gotten away with their crime but this should be put to a stop. The electricity pilfered or stolen are being charged to the others who religiously pay their dues.This is not fair,” pahayag ni Baronda.

vuukle comment

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with