^

Bansa

Brownout sa Iloilo City mawawakasan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng More Electric and Power Corp. na matatapos na ang mga nararanasang brownout sa Iloilo City sa lalong madaling panahon.

Paliwanag ni More Power Chief Operating Officer and President Roel Castro na sa ilalim ng kanilang ikinasang 3-year modernization prog­ram ay masisimulan na nila ang pagsasaayos ng power distribution system pangunahin na rito ang paglalagay ng looping system sa 69-kilovolt sub-transmission facility na siyang magsisilbing back-up power supply tuwing may gagawing preventive maintenance at repair sa 5 substations sa buong lalawigan.

Aabot na rin sa 130 sira-sirang transformers ng Panay Electric Company (PECO) na nanga­nganib na sumabog o masunog ang kanila na ring napalitan gayundin ang mga nabubulok na kahoy na electric poles ay ginawa nang concrete poles.

Mula nitong Mayo ay nakumpleto na nila ang pagrepair sa Jaro, City Proper at La Paz substations at sa mga darating na linggo ay tatrabahuhin naman nila ang 2 pang substations.

Paliwanag ni Castro na ang nararanasang brownout sa kasalukuyan ay resulta ng mga pal­yado nang pasilidad na kanila minana sa PECO na kanila nang tinutugunan.

Nasa P1.8-B ang ga­gas­tusin para sa moder­nization program ng buong Iloilo power system.

Idinagdag pa ni Castro na tinututukan din ng More Power ang problema sa jumpers o illegal connections na siyang sanhi ng pag-overload sa distribution system.

vuukle comment

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with