^

Bansa

Walang ayuda sa tomador, sugarol - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Walang ayuda sa tomador, sugarol - Duterte
Sinabihan din ng Pa­ngulo ang Department of Interior and Local Govern­ment na imbestigahan ang mga sumusuway sa lockdown.
Joy Torrejos /File

MANILA, Philippines — Walang maaasahang tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residenteng mahuhuling nag-iinuman at nagsusugal habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine.

Sinabihan din ng Pa­ngulo ang Department of Interior and Local Govern­ment na imbestigahan ang mga sumusuway sa lockdown.

Ayon sa Pangulo, nakuha pang magsabong at mag-inuman ng mga nahuli na nangangahulugan na may pera ang mga ito kaya hindi na dapat tulungan.

“Alam mo sa totoo lang yung kayong nagsasabong pati nag-inuman, ibig sabihin may pera kayo.?Huwag kayong umasa ng tulong mula sa akin,”?babala ni Duterte. ”Sabihin  ko talaga. Sorry na lang. May pera pala kayo pang sabong, may pera pala kayong pang-inom.”

Idiniin ni Duterte na ang tulong ng pamahalaan ay? dapat mapunta sa mga higit na nanganga­ilangan ?nito.

Wala aniyang pera ang mga tinutulungan ng pamahalaan dahil sa ECQ pero nagagawa pang magwaldas ng ilan.

“Wala na ngang pera para pang-pamilya, waldasin pa ninyo sa mga bagay ng inuman o sugal. Kaya sabi ko maabutan ko kayo, maniwala ka, itaga mo sa kung saan mo itaga ‘yan --- sa bato, sa tubig --- talagang sapakin kita,” sabi ni Duterte.

Pinayuhan pa ni Duterte ang mga misis na na hampasin ng tubo ang asawa kung kukunin ang tulong pinansiyal mula sa gobyerno para gastusin sa bisyo.

Hindi na rin aniya makakatanggap ng tulong ang mga natukoy ng mga kapitan ng barangay at mga mayor na lumabag sa ECQ.

Ilang residente sa Sta. Rosa, Laguna ang nahuli? kamakalawa na nagsasabong habang sa Biñan, Laguna ay may mga lumalabag sa curfew at liquor ban.

Noong Martes, may nahuling mga residente sa Cavite na nag-iinuman at nagsusugal.

 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with