Opisina ni Jinggoy inubos laman bago ipasa kay Sotto
MANILA, Philippines — Literal na walang itinira at tinanggal lahat ang gamit at laman ng opisina ni Sen. Jinggoy Estrada bilang dating Senate president pro tempore.
Ang nasabing tanggapan ay gagamitin ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III bilang kasalukuyang Senate president pro tempore.
Sa mga larawan na lumabas sa social media, makikitang halos walang laman ang nabakanteng opisina matapos alisin ang mga muwebles, electrical sockets, at mga tiles nito. Karamihan sa mga floor tiles ng silid ay inalis, at wala na ring mga muwebles gaya ng mga mesa at upuan.
Makikita rin ang mga nakalitaw at nakalaylay na electrical wires at ang pagtanggal ng mga wall sockets sa buong opisina. Tinanggal din ang tiles ng comfort room ng opisina, kabilang ang kisame, mga dingding at sahig. Inalis din ang shower at toilet bowl.
Ayon sa tanggapan ni Estrada, maglalabas sila ng pahayag upang ipaliwanag kung ano ang nangyari sa opisina ng senador.
Napaulat na sinabi naman ni Atty. Marian Lucinario mula sa tanggapan ni Sotto, na “nabigla” sila nang makita ang kalagayan ng opisina.
Ang karaniwang ginagawa aniya ay inaalis lamang ang mga muwebles at sinisiguro na hindi masisira ang sahig at mga dingding. (
- Latest























