PANOORIN: Sara Duterte, muling itinuro si Marcos sa mga alegasyon laban sa kanya
MANILA, Philippines — Muling itinuro ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos bilang nasa likod umano ng mga alegasyon laban sa kanya, kasunod ng pahayag ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano siya ng mahigit P2 bilyong cash kay Duterte.
Sa press briefing sa Davao City nitong Martes, muling binanggit ni Duterte ang mga pahayag ng Office of the President at ang kanyang impeachment trial bilang bahagi ng kanyang batayan sa pag-uugnay sa administrasyon sa mga alegasyon.
“Makikita niyo naman ’yung mga declarations, mga statements ng Office of the President eh, ’di ba?” ani Duterte.
Binanggit din niya ang alegasyon umano ng palitan ng pera kapalit ng pirma ng mga kongresista para sa impeachment complaint.
Para kay Duterte, bahagi umano ito ng mga isyung ginagamit laban sa kanya.
Mariin namang itinanggi ng bise presidente ang alegasyon ni Gracioso at sinabi niyang hindi niya ito kilala. — Martin Ramos
- Latest
























