^

Purisima lusot sa perjury

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong perjury laban kay dating PNP chief Alan Purisima.

Sa desisyon ng anti-graft court 2nd division, sinabi nito na not guilty si Purisima sa walong bilang ng perjury na inihain laban sa kanya.

Sinabi ng korte na nabigo ang prosekusyon na maghain ng sapat na ebidensya para patunayang guilty beyond reasonable doubt si Purisima sa kasong ibinibintang sa kanya.

Dahil dito, ipinag-utos ng Sandiganbayan na ibalik ang inilagak na piyansa ng dating PNP chief.

Pinatatanggal din ng korte  ang hold departure order laban sa kanya maliban kung may iba pang kaso na nakasampa sa kanya.

Nag-ugat ang kasong perjury dahil sa hindi umano paghahain ni Purisima ng tamang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) noong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.

PURISIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with