PANOORIN: ‘Sounds very much to me like a threat’: Marcos sa pahayag ng Chinese envoy
MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Bongbong Marcos na tila pagbabanta ang pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan tungkol sa kakayahan ng China na gumamit ng puwersa.
"It sounds very much to me like a threat and it is not a very diplomatic statement to be made," ani Marcos ngayong Biyernes, Oktubre 16.
Ayon kay Marcos, nais niyang maunawaan ang mensaheng nais iparating ni Jing at kinakailangan itong talakayin nilang dalawa.
"I think that it deserves a discussion between the ambassador and myself," aniya.
Nauna nang sinabi ni Jing ang naturang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 15, bilang pagtutol sa pagtawag sa China bilang "troublemaker."
"If we want to use force, we may easily win. But no, we will not use force. You know, we love peace," aniya. — Geraldine Santos; Karagdagang ulat mula kay Cristina Chi
- Latest



















