Lifestyle check sa BI men na nakinabang sa ‘pastillas’ giit
MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Risa Hontiveros na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal at personnel ng Bureau of Immigration (BI) na posibleng nakinabang sa “pastillas” modus na naging daan upang makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals kapalit ang P10,000 service fee.
Sinabi ni Hontiveros na dapat magtulungan ang National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman at iba pang ahensiya ng gobyerno upang maisagawa ang lifestyles check.
Sa pagdinig kamakalawa, ibinunyag ni Hontiveros na tinawag umanong “pastillas” sa loob ng BI ang cash distributions dahil inilalagay lamang sa nakarolyong band paper ang perang pinaghahati-hatian na nakokolekta bilang service.
Dahil sa nasabing modus, mabilis umanong nakakapasok sa bansa ang mga Chinese nationals na pumapasok sa mga Philippine offshore gaming operations (POGO).
“What my informant told me is that this pastillas operation really boomed with the entry of POGO workers and the expansion of the POGO industry,” sabi ni Hontiveros.
Nauna sa ‘pastillas’ modus, ibinunyag din ng komite ni Hontiveros ang mga prostitution dens na pinapatakbo ng mga Chinese.
Sinabi ni Hontiveros na nakakadismaya na sa pagsulputan ng mga POGOs ay tumaas din ang korapsiyon at iba’t ibang krimen.
- Latest