Seniors makikinabang sa price cap ng gamot
MANILA, Philippines — Makikinabang ng higit ang mga senior citizen na karaniwang may maintenance medication sa pagpapatupad ng drug price caps sa bansa.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, sa mahigit 100 milyong populasyon sa Pilipinas, nasa 7 porsyento o pitong milyon ang senior citizens.
Kadalasang nangyayari na tinitipid o binabawasan ng pasyente ang pag-inom ng gamot na hindi naman nararapat.
Sinabi pa ni Duque na umaabot sa P1.5 milyon hanggang P5 milyon ang taunang halaga ng gamot sa cancer at sa ngayon ay mababawasan na ito dahil sa pagpapatupad ng price ceilings sa mga naturang gamot.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na maglalagay ng price caps sa mga piling gamot nang sa gayon ay magkaroon ng access ang mas maraming Pilipino.
Sakop din sa price regulation measure ang mga gamot para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung disease, neonatal diseases at major cancers, high cost treatments sa chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis.
- Latest