EDCA, MDT wala ng saysay
Ayon kay Guevarra, ito’y kasunod ng pahayag ng Malacañang na nais na ring ipalusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EDCA at MDT.
The STAR/Edd Gumban, file

EDCA, MDT wala ng saysay

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na wala nang saysay ang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) at ang Mutual Defense Treaty dahil sa pagkansela ng gobyerno sa VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Guevarra, ito’y kasunod ng pahayag ng Malacañang na nais na ring ipalusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EDCA at MDT.

Batay aniya sa memorandum na kanyang isinumite sa Pangulo, nabanggit niya ang mga epekto ng VFA termination sa EDCA at maging sa MDT.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na hindi na rin niya  inirekomendang ipawalang saysay ang EDCA at MDT dahil wala na rin namang silbi ang mga ito kapag wala nang VFA.

Tiwala si  Guevarra na makakaya ng Pilipinas nang walang VFA na military agreement sa Estados Unidos.

ENHANCE DEFENSE COOPERATION AGREEMENT MENARDO GUEVARRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with