^

Bansa

‘Most wanted’ todas sa shootout

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Bulagta ang isang “most wanted person” matapos manlaban sa mga otoridad na mag­ha­hain ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng patung-patong na kasong pagpatay sa Purok Lagundongan, Brgy. Kalanganan Dos, Cotabato City kahapon.

Kinilala ang napaslang na si Alip Kitab, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Sa report, isisilbi sana ng mga elemento ng 1404th Company-Regional Mobile Force Battalion 14 sa pangunguna ni P/Major Arturo Rivera Jr. ang arrest warrant laban kay Kitab pasado alas-4:00 ng hapon nang paputukan nito ang mga pulis sa halip na sumuko sanhi ng shootout. Tinamaan ng bala sa ulo at ibang parte ng katawan ang suspek sanhi ng agaran nitong ka­matayan.

Nakuha sa lugar ang cal. 45 pistol ng suspek at mga basyo ng bala. Si Kitab ay kabilang umano sa apat na pumas­lang sa meter reader ng Colight na si Randolf Ferolin Cabañog noong Mayo 10, 2014 sa Datu Kadir Datumanong St., Mother Barangay Bagua ng lungsod. 

vuukle comment

ALIP KITAB

ARTURO RIVERA JR

RANDOLF FEROLIN CABAñOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with