Bukidnon nilindol, 3 sugatan
Angie dela Cruz, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

BUKIDNON, Philippines — Tatlo katao ang suga­tan makaraang yanigin ng 5.9 magnitude na lindol ang lalawigan ng Bukidnon nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Bukidnon Provincial Police Office, kinilala ang mga nasugatan na sina Emilda Acma, 54, at Lolita Guiren, 54, pawang mga residente ng Camp 1, Maramag at Andresa Polon ng Barangay Ma­tambay, Kadingilan.

Napinsala rin ang  nasa 150 kabahayan, mga ospital at mga pa­aralan at health centers.

Sa kabila nito ay nadadaanan pa ang lahat ng mga tulay. 

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa Kadingilan, Bukidnon.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 6 sa Kadi­ngilan, Kalilangan, Don Carlos, Maramag, Kitaotao at San Fernando, Bukidnon at kalsada sa lalawigan.

Patuloy ang assessment ng mga lokal na opisyal sa pinsala ng lindol habang inaasahan ang posibleng aftershocks.

BUKIDNON PROVINCIAL POLICE OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with