^
Digong 8888 hotline ilulunsad
Bukod sa iregularidad, maaari ring ipara­ting sa naturang programa ang mga reklamo na may kaugnayan sa mabagal na proseso ng isang transaksiyon, sumbong kontra sa fixers at mga masusungit na kawani ng pamahalaan.

Digong 8888 hotline ilulunsad

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilulunsad ng People’s Television Network (PTV) ang programang “DIGONG 8888 HOTLINE” upang direktang makapag-sumbong ang publiko ng nalalaman nilang katiwalian sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Bukod sa iregularidad, maaari ring ipara­ting sa naturang programa ang mga reklamo na may kaugnayan sa mabagal na proseso ng isang transaksiyon, sumbong kontra sa fixers at mga masusungit na kawani ng pamahalaan.

Isang ahensiya ng pamahalaan ang sasalang din sa bawat weekly episode ng “DIGONG 8888 HOTLINE” na tatanggap ng mga katanungan at rektang sumbong mula sa mga manunuod na bibigyan naman ng agarang aksiyon.

Magsisimula ang “DIGONG 8888 HOTLINE” sa July 11, 2019 at mapapanuod tuwing Huwebes, alas dos hanggang alas-3 ng hapon.

DIGONG 8888 HOTLINE PEOPLE’S TELEVISION NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with