Sinabi ng source, ang pagsibak kay Piñol ay may kaugnayan sa ginagawang assessment ng Pangulo sa performance ng kanyang mga gabinete.
DA Sec. Piñol sisibakin?
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang sibakin sa puwesto si Department of Agriculture Sec. Manny Piñol at ilipat sa ibang posisyon ni Pa­ngulong Duterte, ayon sa Malacañang source.

Sinabi ng source, ang pagsibak kay Piñol ay may kaugnayan sa ginagawang assessment ng Pangulo sa performance ng kanyang mga gabinete.

Ayon sa mapagkakatiwalaang impormante sa Palasyo, ililipat si Pinol sa Mindanao Development Authority (MinDa).

Aniya, wala pa namang pinal na desisyon ang Pangulo tungkol sa posibleng paglipat ni Piñol upang pamunuan ang MinDa.

Binigyang-diin pa ng source, hindi lamang performance ng mga miyembro ng gabinete ang sumasailalim sa review kundi pati na rin ang trabaho ng mga pinuno ng bureau at attached agencies ng iba’t ibang kagawaran.

Samantala, nakatakdang italaga rin ni Pangulong Duterte bilang bagong general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Col. Royina Garma bilang kapalit ni Alexander Balutan na nagbitiw noong Marso.

“She is a woman, an Ilocana… Balutan has been out. Garma will succeed him,” wika ni Pangulong Duterte.

MANNY PIñOL MINDANAO DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with