^

Bansa

Hontiveros: Ambassador, consuls sa Tsina dapat pauwiin ng 'Pinas

James Relativo - Philstar.com
Hontiveros: Ambassador, consuls sa Tsina dapat pauwiin ng 'Pinas
Ito'y matapos mapalubog ng isang Chinese fishing vessel ang isang bangkang Pilipino sa Recto Bank na may sakay na 22 katao nang mabangga sa Recto Bank.
Release/Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Sen. Risa Hontiveros na pauwiin ng bansa ang ambassador at mga consul ng Pilipinas sa Tsina bunsod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea.

Ito'y matapos mapalubog ng isang Chinese fishing vessel ang isang bangkang Pilipino sa Recto Bank na may sakay na 22 katao nang mabangga sa Recto Bank.

"CONCRETE diplomatic steps must be taken this time. If the President can order the recall of our envoy & consuls in Canada, he can do the same to defend our sovereignty & fisherfolks," sabi ni Sen. Risa Hontiveros sa isang tweet Huwebes.

(Kailangang magsagawa ng kongretong diplomatikong hakbangin ngayon. Kung kaya ng presidente na pauwiin ang mga envoy at consul natin sa Canada, pwede niya rin gawin 'yan para ipagtanggol ang ating soberanya at mangingisda.)

Matatandaang iniutos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagpapauwi ng ambassador at mga consul ng bansa sa Canada matapos magtagal nang husto ang kanilang mga iligal na basura sa Pilipinas.

Napabalik naman ng Canada ang mga envoy matapos maisauli ang basura sa bansa.

Naghain naman ang senadora ng mga maaaring gawin ng Tsina upang maiwasan ang lumalaking lamat sa relasyon sa Pilipinas.

Ilan na riyan ang pagtutukoy sa mga salarin, pagpaparusa sa mga may sala at pangakong hindi na ito mangyayari pa.

"Kakayanin ito, kung hindi lang tayo nagpapaalipin," wika ni Hontiveros.

Sumang-ayon naman si Locsin sa mga suwestyon ng mambabatas.

"[Y]our suggested questions are diplomatically right on point. Thank you," ani Locsin kanina.

Nauna na ring tinawag ng kalihim na "hit-and-run" ang ginawa ng mga Tsino.

DFA naghain na ng diplomatic protest

Samantala, kinumpirma naman ng DFA na naghain na sila ng protesta patungkol sa nangyari.

"I fired off a diplomatic protest yesterday," pagkukumpirma ni Locsin sa isang paskil.

Ito ang kanyang naging tugon sa sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na idulog na sa Maritime Safety Committee ng International Maritime Organization ang insidente.

"This way, a dispassionate, independent and objective investigation would be conducted on the matter and its recommendations would be binding under international law," ani Trillanes.

(Sa ganitong paraan, walang kinikilingan, independiyente at obhetibo ang imbestigasyong isasagawa at may bisa ito sa pandaigdigang mga batas.)

Parehong state parties ang Pilipinas at Tsina sa IMO.

Sinabi naman ng DFA na kikilos sila batay sa mga merito ng kaso habang pinag-aaralan ito ng IMO.

Kahapon, sinabi ng militar na posibleng sinadya ang pagbangga sa Recto Bank.

"Kung titingnan ninyo po sa incident report, may intentionality eh, kasi hindi tumigil [ang vessel]," banggit ni Western Command spokesperson Lt. Col. Stephen Penetrante sa media.

Patuloy pa rin ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea kahit na kinatigan na ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 ang claims ng Pilipinas doon.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PHILIPPINES

RISA HONTIVEROS

TERRITORIAL DISPUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with