"Tuluyan nang magsasara ang field office ng USCIS sa Maynila, Pilipinas pagsapit ng ika-5 ng Hulyo 2019," wika ng USCIS sa Ingles.
Philstar.com, File
US immigration office sa Maynila magsasara sa Hulyo
(Philstar.com) - June 6, 2019 - 3:13pm

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng US Citizenship and Immigration Services sa isang pahayag na magtatapos na ang operasyon ng kanilang tanggapan sa Maynila sa susunod na buwan.

“USCIS will permanently close its field office in Manila, Philippines, on July 5, 2019,” wika ng USCIS.

(Tuluyan nang magsasara ang field office ng USCIS sa Maynila, Pilipinas pagsapit ng ika-5 ng Hulyo 2019.)

Kasama sa mga serbisyo ng USCIS ay ang pangangasiwa sa immigration application ng mga kapamilya ng mga permanenteng residente o mamamayan ng Estados Unidos na nais tumira doon.

Dagdag pa rito ay ang pangangasiwa ng aplikasyon ng mga gustong maging mamamayan ng Estados Unidos, ng mga gustong magtrabaho sa Estados Unidos at ng mga Amerikanong gustong mag-ampon ng mga bata mula sa ibang nasyon at iba pa.

Ang pagsasara ng opisina ay nakikitang alinsunod sa plano ng administrasyon ni US President Donald Trump na bawasan ang presensya ng USCIS sa iba't ibang bansa upang malimitahan ang bilang ng mga legal at illegal na migrante sa US.

“The last day the office will accept applications/petitions and be open to the public is May 31, 2019,” dagdag ng ahensya.

(Ang huling araw ng pagtanggap ng aplikasyon/petisyon at pananatiling bukas ng opisina ay Mayo 31, 2019)

Sinabi rin nila na ang US Embassy sa Maynila na raw ang mangangasiwa ng ilang mga serbisyo na dati nilang pinamamahalaan.

Para sa mga dati nang inasikaso ng USCIS, dapat daw sundin ang mga sumusunod na filing instructions simula ika-3 ng Hulyo.

Nitong Enero, matatandaang nagpatupad ng "one-year ban" ang US Department of Homeland Security pagdating sa pagbibigay ng temporary work visa para sa mga Pilipino. 

Una na ring naiulat na hihingiin na ng US State Department ang social media usernames, email addresses at numero sa teleponong ginamit sa loob ng limang taon ng mga nag-aapply ng visa. — Philstar.com intern Michelle Co

IMMIGRATION U.S. EMBASSY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with