Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa ng gabi sa Davao City matapos siyang manawagan sa publiko na huwag gagalawin ang mga pari at obispo makaraang 3 pari ang lumantad dahil sa death threat.
‘Wala akong pakialam kahit mamatay kayo’
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Duterte sa mga kritikong pari

MANILA, Philippines — Wala raw pakialam si Pangulong Duterte kung mamatay ang mga kritiko nitong pari sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa ng gabi sa Davao City matapos siyang manawagan sa publiko na huwag gagalawin ang mga pari at obispo makaraang 3 pari ang lumantad dahil sa death threat.

“They tried to picture me na ‘pag namatay sila...I should be blamed because of my outburst. The hell. Wala akong pakialam kung mamatay kayo ngayon lahat. Maluwang pa ang ating ceme­tery,” wika ni Duterte sa ginanap na National Peace and Order Council meeting sa Davao City kamakalawa ng gabi.

“Stop scaring people about your holiness. Do not scare me about you dying and getting me blamed,” dagdag ng Pa­ngulo.

Inakusahan pa ni Duterte na may ilang pari na sangkot sa sexual abuse at illegal drugs.

Nauna rito sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi tamang kay Pangulo nila ibintang ang natanggap na death threat ng 3 pari.

Hinamon pa ng Palas­yo ang mga pari na patunayan nitong si Pa­ngulong Duterte ang nasa likod ng death threat ng mga ito.

DEATH THREAT RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with