Ipinaliwanag niya na wala naman sa 2018 budget ang honoraria para sa mga guro kaya tiyak na luhaan at nganga ang mga gurong magta-trabaho sa araw ng eleksyon.
Ernie Penaredondo
Mga guro nganga sa eleksyon
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2019 - 12:00am

Sa re-enacted budget

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang pagpapatupad ng reenacted budget para sa taong ito dahil masasapul umano nito ang mga gurong uuwing luhaan at walang honoraria mula sa maghapong pagta-trabaho sa araw ng eleksyon.

Iginiit ni Jimenez na magkakaroon ng seryosong epekto sa paghahanda ng eleksyon kung hindi aaprubahan ng Kongreso ang panukalang budget para sa taong ito.

Ipinaliwanag niya na wala naman sa 2018 budget ang honoraria para sa mga guro kaya tiyak na luhaan at nganga ang mga gurong magta-trabaho sa araw ng eleksyon.

Kasabay nito, nanawagan si Jimenez sa Kongreso na gawing prayoridad ang gagamiting budget ng komisyon para sa idaraos ng eleksyon sa Mayo.

Umaabot aniya sa P3.2 bilyon ang kailangan para sa honoraria ng mga guro sa buong bansa pero binigyan lang aniya ang Comelec ng P1.9 billion sa ilalim ng National Expenditure Program.

COMMISSION ON ELECTIONS REENACTED BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with