^

Bansa

Survey sa local elections sa MM inilabas

Pilipino Star Ngayon
Survey sa local elections sa MM inilabas
Sa mahigit 1,800 rehis­tradong botanteng siniyasat mula sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila, sinabi sa Pahayag NCR na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. na kung gaganapin ang halalan ngayon, marami sa mga kandidato ang magwawagi ng malaking puntos habang ang ilan ay lalaban ng dikdikan sa kapwa nila kandidato.

xMANILA, Philippines — Pinulsuhan ng samba­yanan ang mga posibleng landslide victory at mga dikit na laban ng mga lokal na kandidato sa Metro Manila sa 2019 elections.

Sa mahigit 1,800 rehis­tradong botanteng siniyasat mula sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila, sinabi sa Pahayag NCR na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. na kung gaganapin ang halalan ngayon, marami sa mga kandidato ang magwawagi ng malaking puntos habang ang ilan ay lalaban ng dikdikan sa kapwa nila kandidato.

Napulsuhang makakamit ang runaway victory nina Robert Eusebio na nangibabaw sa Pasig elections sa kanyang 76 percent kumpara sa 8 percent ng kalaban nitong si Vico Sotto.

Sa Navotas, si Toby Tiangco ay may 54% kum­para sa 18 percent ni Dan Ang.

Si incumbent Marikina Mayor Marcelino Teodoro naman ay walang makakalaban subalit meron itong 86%.

Si Jaime Fresnedi at Celso Dioko ay wagi naman sa pagka-alkalde at bise alkalde ng Muntinlupa na may 61 percent at 35 percent bawat isa.

Si Vice Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa pagka-mayor sa Quezon City na nakakuha ng 59 percent boto, habang ang kalaban niyang si Bingbong Crisologo ay ?may 17 percent at 2% sa ibang kandidato. Sa vice mayo­ralty race, si Gian Sotto ang nanguna (42%). Si Jopet Sison, 15% at Roderick Paulate, 13 percent. 

Sa Taguig City, si dating congressman Lino Caye­tano, na brother-in-law ng kasalukuyang mayor na si Lani Cayetano, at ang running mate nitong si Ricardo “Ading” Cruz Jr. ang nanguna.

Si Lino Cayetano, ng Nacionalista Party, ay nakakuha ng 76 percent kumpara sa pambato ng PDP-Laban na si Arnel Cerafica na may 15%.

Sa Caloocan, si Oscar Malapitan ay umariba sa mayoralty race (90%).

Si Rex Gatcha­lian ay may 96 percent sa Valenzuela.

Hindi naman umubra ang seniority sa halalan sa pagka-mayor sa Manila kung saan si Isko Moreno ang lumabas na panalo na may 47 percent kumpara ??sa 21% ni Mayor Joseph Estrada, at 29% ni Alfredo Lim.  

Sa San Juan, dikit at hindi nagkakalayo ang resulta sa laban ng pagka-alkalde kung saan si Janella Estrada ang umungos sa kanyang 44 percent laban sa 43 percent ni Francis Zamora.

Sa Makati, si Abigail Binay ang nanguna (67 percent) laban sa kapatid nitong si Jun-jun (20%).

Ang independent survey ay isinagawa mula November 16-20, 2018, at pina­ngasiwaan ito ng PUBLiCUS Asia, isang full-service political campaigns management at lobbying firm.

“We will continue to do the nationwide psychographics poll in 2021 in preparation for the presidential campaign in 2022. It is our commitment in building a mature political discourse in the country,” wika g policy analyst at Founder/CEO ng PUBLiCUS Asia, Inc. Malou Tiquia. 

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with