^

Bansa

‘Balimbing’ bawal na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Balimbing� bawal na
Paliwanag ni Tugna sa ilalim ng panukala, hindi papayagan na magbago ng political parties ang isang pulitiko matapos ang eleksyon at kapag nasa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan mula sa kanyang three term sa sandaling maaprubahan na ang substitute bill na nagbabawal sa turncoatism o pag-balimbing.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ipagbabawal na sa mga pulitiko ang palipat-lipat ng partido o ang pagbalimbing sa na­ngu­ngunang partido isang taon bago ang idaraos na eleksyon.

Ayon kay Cibac Rep. Sherwin Tugna, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, nakabuo na sila ng substitute bill na naglalayong patatagin ang political at electoral system ng bansa.

Paliwanag ni Tugna sa ilalim ng panukala, hindi papayagan na magbago ng political parties ang isang pulitiko matapos ang eleksyon at kapag nasa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan mula sa kanyang three term sa sandaling maaprubahan na ang substitute bill na nagbabawal sa turncoatism o pag-balimbing.

Sinabi ni Tugna na la­yunin ng panukala na samantalahin ng elective officials ang mga biyaya para sa mga miyembro ng ruling party partikular na sa biyaya ng mga proyekto at balewalain na lamang ang prinsipyo at plataporma ng dating partido.

Iginiit pa ng kongresista na ang intensyon ng batas ay para pag-aralan ng mga pulitiko ang ideolohiya ng political party na kanyang pupuntahan.

Nakasaad naman sa panukala na ang sinumang elected officials na lalabag sa panukala ay papatawan ng pagkakasibak sa puwesto at hindi na rin siya papayagan tumakbo sa anumang elective position sa susunod na eleksyon o maitalaga sa anumang posisyon sa gobyerno sa loob ng tatlong taon.

vuukle comment

SHERWIN TUGNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with