^

Bansa

Duterte magpapatayo ng evacuation centers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte magpapatayo ng evacuation centers
Sa command conference ng Pangulo kasama ang mga miyembro ng kanyang Gabinete bago dumating ang bagyong Ompong, ipinaalala ni Edu­cation Secretary Leonor Briones ang mungkahi na limitahan ang paggamit ng mga school buildings bilang mga evacuation centers.
KJ Rosales

Para ‘di ginagamit ang mga eskuwelahan

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Duterte na magtayo ang gobyerno ng mga evacuation centers na magagamit tuwing may kalamidad upang hindi maputol ang pag-aaral ng mga estud­yante na nawawalan ng classrooms dahil  ginagawang pansamantalang tirahan ng mga biktima ng bagyo.

Sa command conference ng Pangulo kasama ang mga miyembro ng kanyang Gabinete bago dumating ang bagyong Ompong, ipinaalala ni Edu­cation Secretary Leonor Briones ang mungkahi na limitahan ang paggamit ng mga school buildings bilang mga evacuation centers.

Sumang-ayon ang Pangulo kay Briones at sinabing panahon na nga upang magtayo ng mga evacuation centers na gawa sa semento para magamit ng mga mamamayan at hindi maistorbo ang pag-aaral ng mga bata.

Inatasan ng Pangulo si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Undersecretary Ricardo Jalad na magtayo ng mas mara­ming evacuation centers na parang gym at may mga comfort rooms para sa mga babae at lalaki.

“It’s about time that General Jalad thinks of this. Yun talagang mga frontliners na lugar: Leyte, Samar, itong Cagayan, Isabela, makagawa man lang tayo parang gym puro semento. Oo, parang gym lang with so many perhaps 10 CRs for women and 10 na --- ihiwalay mo lang babae lalaki,” sabi ng Pangulo.

Ipinahiwatig din ng Pangulo na dapat ay matatag ang mga itata­yong evacuations centers na bukod sa sementado ay gagamitan ng metal iron.

Target ng Pangulo na makapagtayo ng 14 evacuation sa mga unang buwan ng 2019 kung maihahabol sa budget. 

Sabi ng Pangulo hindi dapat maapektuhan ng mga kalamidad o sunog ang pag-aaral ng mga estudyante.

Samantala, bibisitahin ni Pangulong Duterte ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong sa sandaling maayos na ang panahon at puwede ng lumipad ang helicopter nito sa mga apektadong lugar.

vuukle comment

EVACUATION CENTERS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with