^

Bansa

PhilHealth binigo ang 2M seniors

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth binigo ang 2M seniors
Ayon kay Senior Citizen Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, hindi natupad ng PhilHealth ang mandato nito na pagkalooban ng health care coverage alinsunod sa batas ang mga senior citizens.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Binigo umano ng PhilHealth ang aabot sa 2 mil­yong senior citizens sa buong bansa na mabigyan ng sapat na benepisyong pangkalusugan dahil umano sa kakulangan ng pondo.

Ayon kay Senior Citizen Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, hindi natupad ng PhilHealth ang mandato nito na pagkalooban ng health care coverage alinsunod sa batas ang mga senior citizens.

Anya, sa ilalim ng Republic Act 10645 o ang Mandatory PhilHealth Coverage for Senior Citizens Act, dapat bigyan ng sapat na tulong pangkalusugan ang mga senior citizens o edad 60 anyos pataas at mai-enroll sa national health insurance agency.

Bahagi rin ng nakokolekta sa RA 10351 Sin Tax Law ay kailangang pondohan ang nasabing coverage ng benepisyo para sa mga senior citizens sa bansa.

Nabatid na ang kabuuang ‘premium allocation’ para sa RA 10645 sa ilalim ng National Expenditure Program na ipinanukala ng Department of Health para sa PhilHealth ay aabot sa P6.7 M para sa P2.8 M senior citizens sa ilalim ng programa.

Noong 2015 ang kabuuang implementasyon ng PhilHealth Primary Care Benefit package kabilang ang senior citizens enrollees ay ipinagpaliban sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Idinagdag pa ng mambabatas na hanggang ngayon ang mga matatandang enrollees sa National Health Insurance Agency ay hindi tumatanggap ng Primary Care Benefits.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with