^

Bansa

Bamban Mayor itinanggi koneksyon sa POGO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Bamban Mayor Alice Guo na nagnegosyo at nagsumikap upang gumanda ang buhay kasabay ng pagsasabing wala siyang kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Guo, bago pa man siya pumasok sa pulitika ay mayroon na silang kabuhayan at pera kung kaya’t hindi na niya kailangan pang pumasok sa anumang iligal na nangyayari sa POGO.

Aniya, pera ng kanyang pamilya sa pagnenegosyo na hog raising industry at malalapit na kai­bigan ang kanyang ginamit sa eleksiyon at nagpanalo sa kanya at hindi ang pera na galing sa POGO. Hindi siya mananalong alkalde ng Bamban sa kanyang unang pagsabak sa pulitika kung masama ang kanyang rekord. Ani Guo, malinis ang kanyang  konsensiya.

Sa katunayan, bago pa man siya sumabak sa pulitika ay kanyang isinakripisyo ang ilan sa kanyang mga kumpanya at negosyo dahil sa usapin ng conflict of interest at batay na din sa hinihingi ng batas.

Pinatunayan ni Guo na anuman mayroon ang kanilang pamilya ngayon ay kanila itong pinaghirapan at hindi galing sa anumang illegal na gawain.

Dagdag ni Guo na wala siyang balak na kunsentihin at suportahan ang anumang masama at illegal na gawain at pagmamalabis sa ibang tao.

Agad siyang nagsagawa ng imbestigasyon at hindi niya pinigilan ang anumang uri ng raid na isinagawa ng mga otoridad sa compound.

Handa din si Guo na makipagtulungan sa anumang imbestigasyon katulad ng sa senado na in aid of legislation upang mabigyan ng linaw ang ilang isyu.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with