^

Bansa

‘Narcolist’ ilabas na – Koko

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Narcolist� ilabas na � Koko
“Para saan pa yang listahan? Banggit nang banggit sa listahan eh di ilabas na yan kasi gusto na ring malaman ng taumbayan,” sabi ni Pimentel.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Muling iginiit kahapon ni Senate President Aqulino “Koko” Pimentel Jr. ang paglalabas ng narcolist o listahan ng mga sangkot sa iligal na droga partikular ang mga opisyal ng barangay.

“Para saan pa yang listahan? Banggit nang banggit sa listahan eh di ilabas na yan kasi gusto na ring malaman ng taumbayan,” sabi ni Pimentel.

Partikular na tinukoy ni Pimentel ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa maaring maglabas ng listahan.

Nauna ng sinabi ni Pimentel na dapat ilabas ang listahan upang mabigyan ng pagkakataon ang opisyal na malinis ang kanilang pangalan lalo na yong mga tatakbo sa Barangay election.

Ayon kay Pimentel, makatarungan para sa lahat ng sangkot na mailabas sa publiko ang listahan kaysa sa manatiling sikreto at magamit pa ng ilang tiwaling indibidwal sa pangingikil.

Hindi aniya maganda na maging biktima ng “bulong brigade” o haka-haka ang isang indibidwal at hindi mabibigyan ng pagkakataon na malinis ang kanyang pangalan.

vuukle comment

SENATE PRESIDENT AQULINO “KOKO” PIMENTEL JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with