Anti-cybercrime unit sa Quezon City pinasinayaan
MANILA, Philippines — Pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista kasama sina Undersecretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government at outgoing National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde ang inagurasyon sa Anti-Cybercrime Unit ng Quezon City Police District para sa computer at internet-based cases at mga reklamo sa lungsod.
Sa kanyang talumpati, inilarawan ni Año ang anti-cyber crime program ng QCPDF bilang isa sa mga hakbang na dapat tularan ng iba pang local government units sa bansa.
Ang paglulunsad anya ng anti-cybercrime program ay resulta ng mahusay na ugnayan at pagtutulungan ng QCPD at pamahalaang lungsod kaya nagkaroon ng isang state-of-the-art cyber office para sa QCPD-Anti-Cyber Crime Team na gagamit ng pinakabagong digital equipment at anti-cybercrime operation capabilities.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Albayalde ang QC government sa suporta nito sa anti-cyber crime program ng QCPD na may malaking maitutulong para wakasan ang mga krimen sa lungsod.
Ang QCPD ay may 500 volunteers na magiging bahagi ng cyber crime teams sa barangay level.
- Latest