Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, ang mga magsisipagtapos sa ilalim ng technical-vocational-livelihood (TVL) track, o ang grupo na wala nang plano pang magpatuloy ng kolehiyo ay nahubog na para isabak sa trabaho. Edd Gumban

K-12 graduates magpapalakas sa labor force
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapalakas sa ‘labor force’ ng bansa ang unang batch ng mga graduates ng K to 12 program.

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, ang mga magsisipagtapos sa ilalim ng technical-vocational-livelihood (TVL) track, o ang grupo na wala nang plano pang magpatuloy ng kolehiyo ay nahubog na para isabak sa trabaho.

“Itong grupo na hindi magpapatuloy ng kolehiyo tulad ng mga mag-aaral natin na kumuha ng tech-voc track, ‘yan po ang sinasabi nating handa na, among others,” sabi ni Umali.

Sinabi ni Umali, handa na ring magtrabaho ang iba pang nagsipagtapos ng K to 12 program, kung nanaisin ng mga ito.

Kumpiyansa rin naman si Umali na handa na sa kanilang napiling larangan ang K to 12 graduates dahil kasama na sa kanilang curriculum ang work-related immersion na kinuha nila ng 80 hanggang 300 oras.

Ngayong Abril ay magsisipagtapos na ang unang batch ng mga mag-aaral na kumuha ng K to 12 program na sinimulang ipatupad noong panahon ng administrasyong Aquino. 

Sa ilalim ng programa, sa halip na 10 taon lamang ang basic education ng mga mag-aaral, ay magiging 13 taon ito, kabilang na ang isang taon sa kinder at dalawang taon sa senior high school.

Layunin ng programa na gawing globally competitive ang mga Pinoy graduates.

K-12 TECHNICAL-VOCATIONAL-LIVELIHOOD
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with