Nagsagawa na kahapon ng inspeksiyon at imbestigasyon ang limang senador sa pamumuno ni Villar sa isla ng Boracay. 

Miguel de Guzman
Mga pasaway lang ang isara sa Boracay – Villar
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pabor si Senator Cynthia Villar na isara ang buong Boracay habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa loob ng 60 araw at sa halip ay ang mga pasaway na establisimyento lamang umano ang dapat na ikandado.

Nagsagawa na kahapon ng inspeksiyon at imbestigasyon ang limang senador sa pamumuno ni Villar sa isla ng Boracay.

Ayon kay Villar, pabor siyang isara ang mga establisimyentong hindi sumusunod sa batas tungkol sa kalikasan at mga building law katulad noong mga itinayo malapit na sa dagat.

Sinabi ni Villar na hindi naman dapat parusahan ang mga negosyanteng sumusunod naman sa batas.

“Okay lang isara ‘yong mga hindi compliant. ‘Yong mga compliant bakit mo naman parurusahan, hindi ba? Parang ang gusto ko, ‘yong mga hindi compliant, iyon lang ang isara,” pahayag ni Villar.

Isang opisyal ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang nakuwestiyon ni Villar tungkol sa kumplikadong sewerage system sa isla.

Napag-alaman na may mga negosyong pinayagang ikonekta ang kanilang sewer pipe sa mga drainages na dapat lamang sa tubig ulan.

Sinabi ni Villar na dapat tinitiyak ng TIEZA na sumusunod ang lahat sa isinasaad ng batas.

Bukod kay Villar, nagtungo rin sa Boracay sina Senators Loren Legarda, Joel Villanueva, Juan Miguel Zubiri at Nancy Binay.

Isinusulong ang pansamantalang pagsasara ng Boracay Island ng 60 araw mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 1 ng taong ito matapos magbanta si Pangulong Duterte na tuluyang ipasasara ang isla dahil sa dumi.

Related video:

BORACAY SENATOR CYNTHIA VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with