Mister inatado ni misis

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang senglot na magsasaka matapos itong brutal na pagpapaluin ng tubo at pagtatagain ng kanyang misis sa kanilang bahay sa Brgy Pallagao, Baggao, Cagayan noong bisperas ng Pasko. 

Sa report na nakarating kay Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng PNP Baggao, napagtripang gulpihin si Marites Lamusao, 51-anyos, ng mister nitong si Florencio Lamusao 56-anyos na umuwing lango sa alak. 

Habang ginugulpi si Marites ay nakatiyempo ito na sipain ang maselang bahagi ni Florencio.

Nabatid na kumuha si Marites na tubo at pinagpapalo sa ulo ang kanyang mister at habang namimilipit ito sa sakit ay inagaw pa ni Marites ang gulok ng kanyang mister at saka nito pinagtataga sa iba’-ibang bahagi ng katawan nito.

Tigok agad ang biktima habang sumuko sa pulisya ang misis nito matapos ang insidente   

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with