^

Bansa

Seguridad ng 200K migrant workers seselyuhan na - DOLE

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit 200,000 mga migran­teng Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat ang makikinabang sa sandaling lagdaan na ng ASEAN leaders ang isang consensus na nagtataguyod para sa karapatan at kapakanan ng mga migranteng manggagawa sa rehiyon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang sa mga nilalaman ng naturang kasunduan ay ang tamang pagtrato sa mga migranteng manggagawa anuman ang kasarian o lahi nito.

Binibigyang kalayaan din ng nasabing kasunduan ang mga migranteng manggagawa na mabisita ang kani-kanilang mga pamilya nang hindi kinukumpiska ang kanilang mga pasaporte.

Nakasaad din sa naturang kasunduan ang pagbibigay proteksyon sa mga migranteng manggagawa laban sa pang-aabusong seksuwal, mental at pisikal gayundin sa karahasan.

Dagdag pa ni Bello, matagal nang inaasam ng mga migrant  workers ang proteksiyon  na kapalit ay pagkawalay sa kanilang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with