^

Bansa

ASEAN pormal nang nagtapos

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ASEAN pormal nang nagtapos

Pinasalamatan din ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang mga nasa likod ng National Organizing Committee (NOC) na nagpa­kapagod upang maging matagumay ang ASEAN meetings and related activities mula Agosto 2-8. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines - Pormal nang isinara ang ASEAN minister meeting kahapon kung saan ay naging panauhin si Pangulong Duterte, ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Pinasalamatan din ni Cayetano ang mga nasa likod ng National Organizing Committee (NOC) na nagpa­kapagod upang maging matagumay ang ASEAN meetings and related activities mula Agosto 2-8.

Binigyan din ng pagkilala ng ASEAN ang mga biodiversity heroes, ASEAN rice science and technology ambassadors gayundin ang ASEAN Youth social entrepreneurship awardees.

Mismong si Pangulong Duterte naman ang nag-abot ng plake ng pagkilala sa mga descendants ng founding fathers ng ASEAN.

Binigyang-diin pa ni Cayetano na pinatunayan ng Association of Southeast Asian Nations na mali ang mga kritiko sa kanilang panghuhusga at pagtaya sa kahinatnan ng ASEAN.

Sa kanyang mensahe sa closing ceremony ng 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City, sinabi ng DFA chief na sinasabi noon ng mga kritiko na babagsak at mabibigo lamang ang hangarin ng ASEAN pero nagkamali sila makalipas ang 50 taon.

Ayon kay Cayetano, ngayon ay tagumpay na napatatag, napayapa at napaunlad ng ASEAN ang rehiyon sa gitna ng mga hamong hinarap mula sa pagkakaiba ng idolohiya, paniniwala, sistemang pampulitika at kultura.

Kabilang sa dumalo pang opisyal sina dating Pa­ngulong Fidel Ramos at Vice-President Leni Robredo, miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte at miyembro ng Diplomatic Corps.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with