^

Bansa

317 OFWs sa ME nabigyan ng assessment ng TESDA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 317 overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa Middle East ang napagkalooban ng onsite competency assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ginanap sa mismong kinaroroonang lugar ng mga ito.

Sa nasabing bilang, 252 ang nabigyan ng sertipiko matapos na pumasa ang mga ito sa assessment na ginanap sa iba’t ibang lugar sa Middle East kabilang na dito ang Riyadh, Al Khobar, Abu Dhabi, Dubai at Jeddah kung saan ay umabot sa 79.49% ang naging certification rate.

Sinimulan ang Onsite Assessment Program (OAP) ng TESDA noong April 28-30 ng kasalukuyang taon sa Riyadh at Al Khobar; May 5 at 6 sa Abu Dhabi; May 4-8 sa Jeddah at May 12 at 13 sa Dubai.

Base sa talaan, umabot sa 76 OFWs mula sa Riyadh at Al Khobar ang lumahok sa OAP at 70 sa mga ito ang nabigyan ng sertipiko na mayroong 92.11% certification rate; 112 naman mula sa 130 na nagmula sa Jeddah ang pumasa sa assessment (86.91%) 27 mula sa 39 ang nanggaling sa Abu Dhabi (69.23%) at mula naman sa Dubai 43 sa 72 ang pumasa (59.7%).

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan ng OAP ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa na mapaangat ang kanilang mga kasanayan at makakuha ng mas maayos na hanapbuhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with