Lolo pisak sa truck
Boy S. Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2017 - 12:00am

BULACAN , Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang lolo matapos na mapisak ang buo nitong katawan dahil sa pagkakabangga ng isang trak sa sinasakyan nitong motorsiklo habang nagdadaan sa Brgy.Ulingao,San Rafel,Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Baliuag District Hospital subalit hindi na umabot pa nang buhay ang biktimang si Lorenzo Adriano, 69, tubero at residente ng Brgy.Bagong Nayon sa bayan ng Baliuag.

Kaagad namang sinampahan ng kaukulang kaso ang nakadetineng supek na si Erwin Etab 31, drayber at residente ng Brgy.San Vicente, Laur sa Nueva Ecija.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Christopher Aragon, dakong alas- 12:00 ng tanghali ay kasalukuyang tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Cagayan Valley Road sa Brgy.Ulingao lulan ng motorsiklong SYM (CA-86801) patungo sa Hilagang direksyon habang patungo rin sa kapareho ring direksyon ang Isuzu Forward Truck (WRJ-821) na minamaneho naman ng suspek.

Pagsapit sa lugar ng insi­dente ay napatabi ang motorsiklo sa gilid na bahagi ng trak na naging dahilan upang mabuwal ang biktima saka nagulungan ng hulihang dalawang gulong ang buo nitong katawan na nag­resulta ng kanyang kamatayan habang nawasak din ang motor nito.

BALIUAG DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with