^

Bansa

Trillanes sinopla ng AMLC sa bank records ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinagbigyan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kahilingan ni Sen. Antonio Trillanes IV na ilabas ang mga record sa bangko ni Pangulong Duterte.

Mismong si Trillanes ang naglabas sa media ng dalawang pahinang sulat ni Mel Georgie Racela, officer-in-charge ng AMLC na may petsang Marso 29, 2017.

Ayon sa sulat, hindi maaari ang hinihiling ni Trillanes na buksan ang bank accounts ng Pangulo dahil labag ito sa RA 1405 o Bank Secrecy Law.

“Under that law, all bank deposits and all transactions related thereto, are absolutely confidential and may not be inquired into by any person, government, official, bureau, or office, subject to a few exceptions not present in this case,” nakasaad sa sulat.

Ipinaliwanag pa sa liham na bagaman at sa Anti-Money Laundering Act of 2001, binibigyan ng exemption ang AMLC ng RA 1405 sa pagbusisi ng isang account, pero maari lamang itong gawin kung mayroong imbestigasyon tungkol sa isang “unlawful activity” o may nangyayaring “money laudering offense”.

Kailangan pa ring hu­mingi ng permiso sa Court of Appeals ang AMLC bago makapagsawa ng bank inquiry.

Kaugnay nito, muling hinamon ni Trillanes si Duterte na lumagda sa isang waiver para makita ng publiko ang laman ng kanyang bank accounts.

Sinabi pa ni Trillanes na magbibitiw siya sa puwesto at magpapakulong pa kapag napatunayang hindi totoo ang kanyang alegasyon na nagkaroon ng mahigit na P2 bilyon sa bangko ang Pangulo.

vuukle comment

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with