Mt. Bulusan, 2 beses nagbuga ng abo
MANILA, Philippines - Dalawang beses na nagkaroon ng phreatic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon sa loob ng 15 minuto kasabay ng dalawang explosion-type earthquakes na may 8 minuto sa nakalipas na 24 oras na monitoring sa bulkan.
Ayon sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) , ang unang eruption ay nagbuhat sa summit crater na nagdulot ng paglabas dito ng kulay dirty-white na abo na may taas na 2.5 kilometro pakanlurang direksiyon. Nagdulot ito ng maliit na pyroclastic flows na may dalawang kilometro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.
Bunga nito, umabot sa mga barangay ang ashfall partikular sa barangays of Gabao, Bulawan, Gulang-gulang, Monbon, Cogon at Tinampo sa bayan ng Irosin gayundin sa barangay Bolos, Irosin at barangay Caladgao sa bayan ng Juban na may 5 milimeters na abo.
May kapal na 1 millimeter naman ang naramdaman sa barangay Puting Sapa, Juban.
Ang ikalawang phreatic eruption ay naglabas ng dirty-white na grayish ash column na may 500 meters mula sa bunganga ng bulkan.
Nakapagtala rin ng malakas na dagundong na ingay sa may bahagi ng bulkan sa Gulang-gulang, Tinampo, Monbon, Mapaso sa bayan ng Irosin. Ang malakas na dagundong ay sinabayan ng mabahong amoy na asupre sa may bahagi ng bulkan sa Aniog at Puting Sapa, Juban.
Nakapagtala rin ng 33 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras na karamihan sa pagyanig ay naitala makaraan ang phreatic eruptions.
Naglabas din ng asupre na may 578 tonelada bago ang eruption.
Patuloy namang ipinaiiral ang Alert Level 1 sa buong Bulusan Volcano at patuloy na pinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa patuloy na banta ng mga pagsabog sa bulkan.
- Latest