^

Bansa

2 ex-DOJ staff ‘inginuso’ si de Lima! Sa Bilibid drug trade

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang dating staff ni Senator Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) ang kabilang sa mga testigo na lumutang laban sa senadora kaugnay sa sinasabing pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa eksklusibong ulat na nakalap ng Philippine STAR, pawang nagbigay na ng kanilang affidavits sina Jong Caranto at Bogs Obuyes, kapwa clerk ng tanggapan ng kalihim ng DOJ, kung saan tumatayo pa noong Justice secretary si de Lima.

Sinasabi sa kanilang salaysay na inutusan sila ni de Lima na magdeposito ng milyun-milyong piso sa isang bank account na hindi sa pangalan ng da­ting kalihim.

Nabatid ng STAR na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang testigo at sumailalim na sa lie detector test.

Bukod kina Caranto at Obuyes, isang inmate na nakilala lamang sa pa­ngalang Melvin ng Malabon City ang nagsumite na rin ng kanyang sworn statement sa DOJ na nagtuturo kay de Lima na sangkot sa drug operations ng mga convicted drug lords habang nasa loob ng penitentiary sa Muntinlupa City.

Kinumpimra ni Justice Secretary Vitallano Aguirre na may anim na testigong lumutang upang idiin si de Lima para sa posibleng drug at graft charges.

Sinabi ni Aguirre na kabilang sa mga witness ay ang mga NBP guards at inmates.

“What they have provided are volunteered information. It’s not true that these evidence are being manufactured against her (de Lima). These information are just overflowing,” ani Aguirre sa STAR.

Aniya, kasalukuyan na nilang tini-trace ang maraming bank accounts kung saan idineposito ang mga drug money. Gayunman, nilinaw ng kalihim na hindi nakapangalan kay de Lima ang mga bank accounts.

Iginiit pa ni Aguirre na hindi tinatarget si de Lima sa ginagawang fact-finding probe ng DOJ at NBI kung saan ang pangunahin umano nilang layunin ay malaman paano ang paglaganap ng illegal na droga sa NBP ng nakalipas na administrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with