Special polls sa Mindanao payapa
MANILA, Philippines – Generally peaceful ang resulta ng special election na ginanap sa ilang lugar sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, matapos ang nangyaring special election sa mga bayan dito partikular sa Pata, Jolo, Lanao del Sur, at Western Mindanao.
Ayon kay Padilla, tinutukan nila ang special election sa naturang mga lugar kung saan may 10,000 katao at 60 armored assets ang inilagay nila dito para masigurong tahimik at hindi na mangyari ang inaasahang panggugulo.
Gayunman, may special force din anya na hindi na nangailangan ng sobrang seguridad lalo na sa mga lugar na nagkapalitan ng maling delivery ng balota pero natuloy na din anya ito at naging maayos ang lahat.
Gayunman, ang halalang tinawag na safe 2016 ay natupad, bagamat may mga violent incident ding naganap na hindi naman maiwasan.
Kung tutuusin anya, karamihan sa mga kaguluhan ay nangyari sa mga kinikilalang hot spot tulad ng Maguindanao at Abra. Pero ang ikinatutuwa anya ng AFP ay iisa lang ang insidente ng ballot snatching na naresolba naman agad at hindi nagkaroon ng masamang nangyari dito.
- Latest

















