^

Bansa

2 sundalo todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang dalawag sundalo ng Phil. Army habang dalawa naman ang nasugatan matapos na makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Brgy. San Isidro sa bayan ng Toboso, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Gayunman, pansamantalang hindi muna tinukoy ang pangalan ng mga  sundalo dahil kailangan pang impormahan ang kanilang pamilya.

Sa ulat ng Army’s 3rd Infantry Division, naganap ang bakbakan dakong alas-6:45 ng umaga makaraang rumesponde ang Army’s 62nd Infantry Battalion dahil sa presenya ng mga rebelde na nangha-harass at nangongotong sa mga sibilyan.

Agad namang pinagbabaril ng mga rebelde ang ilang sundalo na nagsipagtago sa kabahayan kung saan dalawang sundalo ang napatay.

Nagsitakas naman ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kasamahan. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with