^

Bansa

Analysts: Cayetano aangat pa

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para sa mga batikang political analyst matindi pa sa bakbakang Pacquiao-Bradley ang 2016 Vice Presidential Debate at sa naganap na tila boxing ay malinaw na si Vice Pre­sidential candidate Sen. Alan Peter Cayetano ang  nanalo na tiyak na magbibigay daan umano para umarangkada pa ang rating nito.

Sa paghimay ni political analyst Ranjit Rye sa VP debate, sinabi nito na na­ging mataas ang kalidad ng diskusyon, maitutu­ring na magaling umano ang mga kandidato ngunit aminado itong lumutang si Cayetano.

“Senator Cayetano had a very strong debate performance at mukhang klaro naman na sa debate, siya ang nanalo.Maraming nagsasabi na he differentiated himself very well. You disagree with the style or you may not agree with him in-person, pero klaro na napagusapan niya iyong kanyang platforms at iyong pagkakaiba niya sa iba,” paliwanag pa ni Rye.

Tinuring pa ni Rye na positibong feedback ang inani ni Cayetano sa nasabing debate, pinatunayan umano nito na may malinaw syang plataporma, may timeline sa pagresolba sa mga problema ng bansa at nakita umano ito ng mga manonood ng debate kaya naman siguradong mara­ming voters ang nahikayat ng senador.

Sinabi pa ni Rye na si Sen. Bongbong Marcos ang tila naging Bradley sa naganap na debate, hindi umano batid kung sino ang mas bugbog, kung si Marcos ba o si Bradley. Itinuring naman n’yang sober at analytical si Sen. Gringo Honasan at naging maganda ang performance ni Rep. Leni Robredo.

Sa pagtalakay sa Marcos wealth, sinabi ni Rye na hindi maiiwasang bigyang pansin ito hindi dahil tumatakbo si Bongbong kundi bahagi umano ito ng kasaysayan at ang ill-gotten wealth ay karugtong ng korapsyon.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with