Hiling ni ex-Cam Norte Gov. Padilla, inisnab ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Inisnab ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Camarines Norte Gov. Roy Padilla Jr. na sa Camarines Norte provincial jail ito makulong matapos mahuli ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Bicol) sa Daet Camarines Sur.
Ayon sa graft court, dapat ay sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City makulong si Padilla.
Kamakailan ay nahatulang makulong ng mahigit na apat na buwan matapos mapatunayang guilty si Padilla sa kasong malversation of public property nang mai-convert niya bilang personal na gamit ang naisyu sa kanyang armas ng PNP noong 1992.
Hindi na rin pinapayagan ng korte si Padilla na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Si dating governor Roy Padilla ay nakatatandang kapatid ng mga artistang sina Robin, Rustom (BB Gandanghari) at Rommel Padilla.
- Latest