250 poll machines depektibo - Comelec
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Inamin ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic na may 250 natukoy na depektibong vote counting machines mula sa bansang Taiwan na dinala rito sa Pilipinas.

Ayon sa kinatawan ng Smartmatic, bagama’t minor issues lang ito, tiniyak nilang hindi na maisasama ang mga iyon sa gagamitin sa eleksyon hangga’t hindi ganap na naaayos ang mga nasilip na diperensya.

Ayon naman kay Come­lec Chairman Andres Bautista, ang pagkakatuklas ng mga may aber­yang makina ay bunga ng maagap na pagsusuri dito ng service provider at Comelec technical team.

Sa ngayon, nasa 71,456 vote counting machines na ang nakalagak sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna mula sa manufacturing area ng Smartmatic sa Taiwan.

Kabuuang 90,000 ang kinakailangang makina para sa darating na halalan at inaasahang makukumpleto ito sa mga susunod na araw.

Naglaan naman ng P68 million para sa renta ng napakalaking warehouse.

Bukas ang komisyon sa pagtatalaga ng dagdag na seguridad sa naturang imbakan ng voting machines upang matiyak na hindi ito masasabotahe.

ACIRC ANG AYON BUKAS CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA COMELEC INAMIN KABUUANG NAGLAAN PILIPINAS SMARTMATIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with